5.12.07

Usapang bidyo!

ADIK!

Nung bata pa ako [hanggang ngayon] ay isa akong adik sa video games. Lahat ng video games sa Glicos, Worlds of fun at Time out ay nasubukan ko na, Timezone? hindi masyado, kasi wala sa megamall nun. Karay-karay kasi ako ng lola pag magbibingo siya dun. Syempre takot ako sa numbers [kaya nga ko nag masscom], kaya lagi akong tambay sa mga bidyuhan. MAy mga tao akong nakakilala at nakaclose dahil dito. hindi ko na nga maalala ang mga pangalan nila mgayon. Ang tangi ko na lang naaalala ay yung mga games na nilalaro ko at ang characters na paborito ko dun eto ang ilan...
X-Men: Children of the Atom
Paborito kong gamitin si Iceman dito. Cool! hahaha! syempre nung bata pa ako hindi ako oriented sa mga super combos kaya hindi popular sa kin si wolverine. Tsaka ayoko sa kanya nung childhood years ko. fan ako ng loveteam nina Jean Grey at Cyclops. Si wolverine kasi yung tipong epal na laging hayok na hayok kay Jean Grey kaya ayoko sa kanya. Paborito ko nga palang move ni iceman ang Icebeam..
Marvel Super Heroes
Hindi na ata ganun kasikat si Iceman kaya wala na siya sa eksena. Si spiderman ang parang bida dito kasi naman halos lahat ng players siya ang gustong gamitin. Ayoko kay Spiderman. Nakokornihan kasi ako sa kanya. Hindi nakakabilib yung superpowers niya. Mas gusto ko pa si Captain Planet, bukod sa kamukha niya si Iceman, isa siya sa mga cartoons na hindi ko pinalampas. Sa MSH si Iron man ang gusto ko . Minsan si Psylocke. Si psylocke ung babaeng plasma. parang cross-breed between Pocahontas and Mystica ung dating niya. Kamukha at ka-aura niya si Pocahontas, pero para naman si Mystica manamit. Isa pa Mahilig silang magsplit.
Street Fighter II
Ito ang pinagkagastusan ko ng maraming tokens. Pucha! nung Grade 4 ako hirap na hirap akong talunin si Zangief. Siya yung Russian na wrestler na may carpet sa dibdib. Lahat ng characters natry ko, Ken, ryu, chun-li, guile, vega, m.bison, sagat, e. honda. Pero sa lahat si dhalsim ang paborito ko. Biruin mo yung suntok niya abot sa kabilang screen. Mataray yung dating niya. MAhilig pa bumuga ng apoy. Isa na rin siguro si Dhalsim sa mga nagbigay ng misconceptions sakin sa Yoga. Akala ko dati pag nagyoyoga ka bumubuga ka na ng apoy. Buti na lang nakilala ko si Ate Bell at Kuya Jumar. Sila yung mga editors ko sa pub. dahil sa kanila bumabaw ang tingin ko kay dhalsim. Napansin nyo ba? Cross breed ata sita ni Gandhi at Rene requiestas.
Plasma Sword
Isa ito sa pinaka astig na games. Sobra, ito yung unang malaro ko na hindi backward and forward lang ang movement ng player. Pede ka nang magsidestep. PAborito ko dito si June, yung babaeng plasma ring ang kamay.Astig feeling ko sirkera siya kasi nasa moves niya. Magaling na ako mag video nung nilaro ko to. Natapos ko ang video game na to. Siyempre masa din sa feeling mo na kapag dadaan ka sa basement ng mega tapos titigl ka sa mga video games ay makikita ko yung pangalan mo na number one. Ganito yng itsura nun:
1. JEF 122,435
Masaya sa feeling na naging sikat ka dahil sa six-pesos mong token.
X-Men VS. Street Fighter
Cool diba? yung dalawa sa fave mo pinagsama. This time dalawa na ang mapipili mong players. Taena! hindi ako magkamayaw nun. Kung sinu-sinong combinations ang giangamit ko. Pero ngayon pag nilalaro ko yan steady na ko kay Storm at Magnetong Violet. Ayoko sa pulang magnet, mukhang antagonist. Kahit alam kon kalaban siya syempre mas masarap sa feeling na parehong bida ang gamit mo. Kaya kahit sa costume na lang magmukha man lang sanang bida si MAgneto. Cool tala pag pinagsama ang 2 mong favorties. Buti na lang hindi sa mga paborito kong pagkain ginawa to. Ano kaya ang lasa nang pinagsamang Kare-kare at mocha frappe?
Marvel VS. CAPCOM
Hindi na tapos ang combi sa Xmen at SF. Parang 8'oclock lahat ng juice gnwang combi: orange-mango. orane-pineapple, guyabano-orange, langka-duhat, durian-aratilis.. lahat na ata. Pero ito lang talaga ang peyvoreet ko hanggang ngayon. Maraming hidden characters na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung panu makuha. Si Roll lang alam kong kunin. Gustuhin ko man hindi ko alam palabasin sina lilith, dark chun-li at marami pang astig na iba. Kaasar nga. Pero ngayon masaya na ko kina Gambit na Grey at Morrigan. Masaya din ako sa tulong ni Colossus at Psylocke.
Marvel Vs. Capcom 2
Siyett! Ansaya diba may sequel. Parang wait, there's more. WEto na talaga yung extreme. Sobra e2 talaga yung puinaka peyvoreet ko. Wow! parang lahat ng nais mong characters ay nandito na. PAti nga mga hindi ko kilala ay nandito. At 3 na ang pedeng characters kaya super pili tlaga ako, kadalasan naguguluhan ako sapagpili pero eto yung mga kadalaan ginagamit ko: Cable, Bulleta, MArrow, Psylocke, Iceman, Gambit minsan si Dhalsim minsan si Jill. Favorite ko dito yung 3 characters mo ay sabay-sabay na magsusuper power. Grabe ubos tlaga life ng kalaban mo. Kahit 2 tokens 'to nung new release pinagtyagaan ko talaga. buti na lang di na uso ang 2 tokens ngayon. swipi-swipe na lang.
Ang haba ng entry nato. ito yung nagdescribe ng childhood ko. Bihira akong may kalaro nung bata ako. LAgi akong nasa loob ng bahay. KAya konti lang ang frendz ko sa S.Castillo. Sina Iceman, Cable, morrigan, magneto, gambit, cyclops, storm at ang iba pa ang lagi kong kalaro. Nakakatuwa lang isipin na kahit mga digital-persons ang kalaro ko marunong akong makipagkaibigan sa totoong tao. eto na rin sihuro ang makakapag explain kung bakit ang hilig kong mammisikal ng klasmate. Naalala ko si kelsey ay nigla kong binigyan DDT ni triple H. Akala ko kasi, Si iceman o si cable ako. Sana kung ako man si Cyclops mahanap ko na si Jean Grey :(

4.12.07

What the.....

BAD TRIP SI SIR DON...

Kaasar naman si sir don. Dalawa lang ang naapprove niyang topics namin sa thesis. yung gustong-gusto ko hindi pa kasama. Kaasar talaga. Basta Gagalingan na lang namin bukas. hahaha!
**dissapointed with myself nanaman**
~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+

SOAPED WITHOUT RINSING
Sa wakas ay nakapaglabas na rin kami ng November ish for Dakom. At gaya ng inaasahan pinatawag na naman kami sa Dean's office for the second time. Hahaha! Super sabon si dean plus student attache ay naku ewan ko ba kay Jordan Ga buti na lang ay friends kami. Super bait ko daw kanina sa dean's office. Sinabon talaga kami! Tamang-tama kasi last week lesson namin sa COM3O1 Laws affecting Mass media ang Crime against honor. KAhit naman inaasam ko ang magka-libel case ay natatakot parin ako. Hindi ko idol si Lolit Solis o Cristy Fermin. Merong kasing somethin in libel na gusto ko.
**kinabahan**
+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+
SALVAGE
Naasar ako sa mga reporter na patuloy pa ring ginagamit ang salitang Salvage sa maling paraan. Kung ang akalo mo ay masam a ang salvage nagkakamali ka. Sa totoo lang ay positive ang meaning ng salvage, kaya pag na-salvage ka matuwa ka dahil maganda yun! Tae si Atom Araullo graduate ng UP di alam ang meaning ng Salvage. Naka siya ang ipa... ay mali... Baka siya ang ipa salbahe ko eh.. hehehehe
**asar mode**
PS
walang koneksyon ang title sa entry.. wala lang talaga aq maisip hahaha